Mga tauhan ng PNP-HPG isasalang sa OJT bago ang EDSA takeover sa lunes

By Den Macaranas September 05, 2015 - 08:58 AM

highway-patrol
Inquirer file photo

Simula ngayong umaga hanggang bukas araw ng Linggo ay isasailalim sa On-The-Job Traning (OJT) at familiarization course ang 96 na tauhan ng Highway Patrol Group bago ang kanilang aktuwal na pagmamando sa kahabaan ng EDSA sa lunes.

Sinabi ni PNP-HPG Director C/Supt. Arnold Gunnacao na karamihan sa mga pulis na kanilang ide-deploy sa EDSA ay galing sa mga lalawigan kaya mahalaga ang OJT para maging epektibo ang pag-ganap nila sa kanilang trabaho na ayusin ang napakabigat na daloy ng trapiko.

Umaasa rin ang pinuno ng HPG na magbibigay ng dagdag na pwersa ang pamunuan ng PNP para mas maisa-ayos nila ang traffic management sa kabuuan ng 21-kilometer stretch ng EDSA.

Bukod sa deployment ng mga tauhan mula sa HPG, magpapatupad na rin ng bagong rerouting plan para sa mga provincial buses kung saan ay hindi na sila padadaananin na sa kahabaan ng C5.

Lahat ng mga bus na byaheng probinsya ay hanggang Cubao Terminal na lamang at sila ay padadaanin sa P.Tuazon ave, tatawid ng Katipunan Road hanggang sa makapasok sa C5 diretso sa kanilang destinasyon sa Southern Luzon.

Nauna dito ay sinabi ng Malakanyang na paunang mga pagbabago pa lamang ito bilang bahagi ng paghahanap ng solusyon sa lumalalang problema ng trapiko sa Metro Manila.

Tutukan ng mga HPG personnel ang anim na major choke points na kinabibilangan ng Balintawak, Cubao, Ortigas, Shaw Blvd., Guadalupe at Taft Avenue.

TAGS: edsa, HPG, PNP, edsa, HPG, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.