Malaking halagang lugi hindi dapat ipasa ng Uber sa mga pasahero

By Mariel Cruz, Mark Gene Makalalad August 30, 2017 - 09:23 AM

Pinatitiyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Uber Philippines na hindi nila ipapasa sa mga mananakay ang halos kalahating bilyong na nawala sa kanilang kita sa nakaraang labing limang araw matapos magbayad ng multa.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, malaki ang posibilidad na manipulahin ng Uber ang “algorithm” ng kanilang application tulad ng kakayahan nila na maglagay ng price surge o dagdag sa binabayarang pasahe ng kanilang mga mananakay.

Kung kaya nais ng LTFRB na tiyakin ng Uber na hindi nila sisingilin sa riding public ang malaking halaga na nawala sa kanilang kita.

Umaasa ang ahensya na pantay at maayos ang gagawing pagtrato ng Uber sa kanilang mga pasahero.

Kahapon, pormal nang inalis ng LTFRB ang ipinataw na isang buwan na suspensyon sa Uber matapos makapagbayad ng transport network company ng multang 190 million pesos.

Pero bago ang pagbawi sa suspensyon, isinailalim muna ng LTFRB sa validation process ang mga ibinigay na financial assistance ng Uber sa kanilang mga partner driver.

Sa kabuuan, umabot sa 299.24 million pesos ang binigay na financial assistance ng Uber sa kanilang partner drivers, bukod ang ibinayad na 190 million pesos na multa sa LTFRB.

 

 

 

 

 

TAGS: ltfrb, Radyo Inquirer, transportation, uber philippines, ltfrb, Radyo Inquirer, transportation, uber philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.