Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa kanto ng Kalayaan at Kakarong Street sa Barangay Olympia.
Kinilala ang biktima na si Froilan Delos Santos, 35 taong gulang na residente ng Guadalupe Viejo.
Ayon sa mga kawani ng barangay na nakakita sa pangyayari sa pamamagitan ng CCTV footage sa Barangay Hall ng Olympia, sakay si Delos Santos ng motorsiklo na may plakang 3023 QX.
Tila hinabol ito ng dalawa pang motorsiklo at pagdating na nga sa kanto ng Kalayaan at Kakarong ay naabutan na si Delos Santos at doon na pinagbabaril.
Ayon sa kaibigan at pinsan ng biktima na humiling na hindi na sila pangalanan, ay isang asset umano ng Makati police si Delos Santos. Anila, ito ang nagtuturo ng mga tulak at gumagamit ng droga sa kanilang lugar.
Dagdag pa nila, nakakatanggap ng mga banta sa buhay si Delos Santos dahil sa pagiging asset nito.
Sinabi rin ng kaibigan ng biktima na ilang buwan nang nagpapahinga sa kanyang trabaho bilang asset si Delos Santos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.