Mga nakulong na Pilipinong tripulante sa Libya, tutulungan ng DFA
Ipinagutos na ng Department of Foreign Affairs sa embahada ng Pilipinas sa Libya na tulungan ang 20 Pilipinong tripulante na ikinulong sa nasabing bansa.
Ayon kay DFA spokesperson Assistant Secretary Robespierre Bolibar na inatasan na ang embahada ng Pilipinas sa Libya na patuloy na imonitor ang sitwasyon ng mga tripulante.
Aniya, inaalam na rin ng embahada sa Tripoli na alamin kung anong kailangang tulong ng mga Pilipino para sa kasong nakasampa laban sa kanila.
Inaresto noong Lunes, August 28 ang 20 Pinoy crew members matapos pigilan ng Libyan Navy ang kanilang oil tangker na namataan sa maritime border ng Libya.
Sinasabing naglalaman ng 1.5 milyong galon ng kontrabandong langis ang naturang oil tanker na pagmamay-ari naman ng isang Greek company.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.