Madie Maute, napatay na rin ng mga militar

By Kabie Aenlle August 30, 2017 - 03:22 AM

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patay na ang isa pa sa mga lider ng Maute terror group na si Madie Maute.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Carlito Galvez, napatay si Madie sa Lake Lanao matapos nitong magtangkang tumakas.

Si Madie ay kapatid rin nina Abdullah at Omar Maute na namumuno sa mga teroristang grupo.

Samantala, naaresto naman sa Marantao, Lanao del Sur ang apat na mangingisda na nagpaarkila umano ng kanilang mga bangka sa mga miyembro ng Maute group.

Matatandaang sampung miyembro ng teroristang grupo ang napatay sa engkwentro kamakailan sa Lake Lanao, matapos tangkain ng mga ito na pumasok sa main battle ground.

Bukod naman sa pagpapahiram ng kanilang mga bangka sa mga terorista, naaresto din ang mga ito dahil sa paggamit ng iligal na droga, matapos makarekober ang mga sundalo ng sachet ng hinihinalang shabu at armas sa mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.