Kenneth Dong, inilipat ng kulungan

By Kabie Aenlle August 29, 2017 - 03:33 AM

Kinumpirma ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na inilipat ng piitan ang negosyanteng si Kenneth Dong at ngayon ay nasa Parañaque City Jail na.

Matatandaang inaresto siya ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong August 15 sa bisa ng warrant na inilabas ng korte dahil sa kasong rape laban sa kaniya.

Ayon kay Aguirre, inilipat siya alinsunod sa mga kautusan ng korte, at wala namang pagpipilian ang NBI kundi sundin ito.

Pumayag naman aniya ang NBI sa paglilipat ng kustodiya kay Dong dahil wala naman silang nakikitang anumang banta sa kaniyang seguridad.

Samantala, isa rin si Dong sa mga testigo sa imbestigasyon ng Kongreso tungkol sa pagkakapuslit ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa bansa.

Si Dong ay hinihinalang middleman ng nasabing shipment, kaya isa rin siya sa mga respondents ng mga kasong may kinalaman sa iligal na droga na isinampa ng NBI sa Department of Justice (DOJ).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.