Survey: Duterte, pinaka-maalaga at mapagmahal na opisyal; Robredo, pumangalawa

By Kabie Aenlle August 29, 2017 - 03:29 AM

Nangungunang opisyal ng pamahalaan si Pangulong Rodrigo Duterte sa larangan ng pagiging pinaka-mapagmahal, maalaga, “solid,” at “decisive.”

Ito ay base sa resulta ng “Pahayag” pilot survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc.

Sinukat ng nasabing survey ang pananaw ng mga tao tungkol sa limang pinakamatataas na opisyal ng bansa, pati na sa limang pinakahuling naging presidente ng bansa base sa “Love, Care and Solidarity” index at “Decisiveness Index.”

Base sa nasabing survey, lumalabas na nakuha ni Duterte ang 90 percent decisiveness, na sinundan ni Vice President Leni Rorbedo na mayroon lamang 5 percent.

Pare-pareho namang nakakuha ng tig-1 percent sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Si Duterte rin ang nanguna sa pagiging most loving matapos makakuha ng 82 percent, at caring and concerned matapos makakuha ng 79 percent.

Si Robredo naman ay nakakuha lang ng 13 percent sa pagiging loving, 17 percent sa pagiging concerned at 16 percent naman sa pagiging caring.

Samantala, sa hanay naman ng mga nagdaang mga pangulo, si Corazon Aquino ang nakakuha ng pinakamataas na boto sa pagiging most loving sa 38 percent, na sinundan ni Estrada na may 27 percent, Fidel Ramos sa 10 percent, Benigno Aquino III na mayroong 9 percent at si ngayo’y Rep. Gloria Arroyo na may 5 percent.

Isinagawa ang survey noong August 7 hanggang 9 sa 1,500 respondents. Mayroon itong 95 percent na confidence level at +/-2.58 percent na margin of error.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.