Presyo ng petrolyo muling tataas bukas

By Justinne Punsalang August 28, 2017 - 09:59 PM

Magkakaroon ulit ng dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas, August 29.

Aabot sa P0.35 kada litro ang itataas sa halaga ng gasolina, habang kapwa dalawampung sentimo naman kada litro para sa diesel at kerosene o gaas.

Una nang nag-anunsyo ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo ang Flying V na magsisimula sa ganap na 12:01 ng madaling araw bukas.

Samantala, alas sais naman ng umaga magiging epektibo ang oil price hike para sa mga kumpanyang Eastern Petroleum, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, Shell, at Unioil.

Inaasahan namang susunod na rin sa pagtataas ng halaga ng langis ang iba pang oil companies. Ikalimang sunod na linggo na ito ng pagpapatupad ng price increase ng produktong petrolyo.

Simula July 25 ay nasa P2.45 na ang kabuuang itinaas sa halaga ng produktong petrolyo.

TAGS: oil price hike, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.