Pinaghahandaan na ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsasagawa ng “one big battle” sa Marawi City.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, tuloy ang pag-abante ng mga sundalo sa main battle area.
Lalo pa aniyang lumiliit ang mundo ng mga terorista matapos ang sunod-sunod na mabawi ng mga sundalo ang Grand Mosque, ang Saint Mary’s Cathedral at pagkakapatay sa sampung terorista na sasaklolo sana sa mga miyembro ng Maute group sa Marawi City.
Paliwanag ni Año na ang one big battle ang magsisilbing huli at pinaka malaking opensiba para tuluyan nang mabawi ang Marawi City.
Gayunman, walang itinakdang deadline si Año kung kailan matatapos ang giyera sa Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.