Parallel investigation sa P6.4 Billion drug smuggling sa BOC inihirit ni Trillanes

By Ruel Perez August 28, 2017 - 04:21 PM

Dapat umanong magsagawa ng parallel investigation ang Senado base sa naging expose’ ni Sen. Ping Lacson hinggil sa umano’y malawakang anomalya sa Bureau of Customs.

Sa kanyang Senate resolution 474 na ihinain ni  Senador Antonio Trillanes, hiniling ng mambabatas na imbestigahan rin ng Committee on Ways and Means na pinangungunahan ni Sen. Sonny Angara, ang posibleng paglabag ng mga opisyal sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Hiwalay pa ito sa isinasagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa isyu naman ng pagkakapuslit ng P6.4 Billion shabu shipment sa BOC.

Paliwanag ni Trillanes, aabot sa bilyong pisong halaga ng pera ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa katiwalian sa revenue-generating agency ng gobyerno.

Dagdag ni Trillanes, sang-ayon sa global financial integrity ng bansa noong 2004, umabot sa P19 Trillion ang nawala sa gobyerno mula 1960 hanggang 2011 dahil sa smuggling at katiwalian sa importation.

TAGS: BOC, drugs, Faeldon, trillanes, BOC, drugs, Faeldon, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.