Saint Mary’s Cathedral sa Marawi City nabawi na ng AFP
Nabawi na rin ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines mula sa kamay ng teroristang Maute group ang Saint Mary’s Cathedral na nasa Brgy. Marinaut, Marawi City.
Ayon kay Captain Joan Petinglay, tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi, nabawi ang Catholic church noong August 25.
Tatlong matataas na kalibre ng baril at sari-saring bala ang nakuha sa loob ng simbahan.
Matatandaang sa kasagsagan ng giyera sa Marawi City ay nag-viral sa video footages ang pagsira at pambabastos ng teroristang Maute group sa mga imahe ng mga Santo.
Sinabi pa ng militar na mas marami pa silang mababawing mga lugar bago matapos ang araw na ito dahil sa patuloy na pagkakapatay nila sa mga natitirang miyembro ng teroristang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.