Suspensyon na nauwi sa pagbabayad ng multa, kauna-unahan sa kasaysayan ayon sa LTFRB

By Mark Gene Makalalad August 28, 2017 - 10:16 AM

Aminado ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makasaysayan ang nangyaring pag-lift ng ipinataw na ban sa Uber.

Ayon kay LTFRB Spokesperson Aileen Lizada, ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na na-convert sa fine ang suspension order na hindi naman normal na ginagawa ng ahensya.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng LTFRB na handa nilang i-lift ang suspension order sa Uber kapalit ng pagbabayad ng P190 million.

Nakabase ang computation nito sa 19 na araw na natitira sa suspension order multiplied sa average daily income ng Uber na P10 million.

Sinuspinde ang pagbiyahe ng Uber sa mga kalsada noong August 14 dahil sa franchise violations.

Una na ring nag-alok ng P10 million ang Uber kapalit ng pag-lift sa kanilanh suspension na tinangihan naman ng LTFRB.

Samantala, sinabi naman ni Lizada na hindi nila pinipilit ang Uber sa pagbabayad ng fine.

Pero ang Uber naman nagpahayag na inaayos na nila ang mga requirements ng LTFRB para makabalik agad sila sa kalsada.

 

 

 

 

 

TAGS: ltfrb, ride sharing, suspension, TNVS, Uber, ltfrb, ride sharing, suspension, TNVS, Uber

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.