Patay ang 13 katao kabilang na ang ilang mga sundalo, habang 18 naman ang sugatan sa car bombing sa Helmand, Afghanistan.
Ayon sa tagapagsalita ng gobernador ng Helmand, naganap ang pag-atake sa isang palengke sa Nawa district kung saan naganap rin ang bakbakan sa pagitan ng mga pwersa ng gobyerno at Taliban forces.
Inanunsyo na ng Afghan forces na nabawi na nila ang Nawa district noong Hulyo pa, ngunit hindi pa rin natapos ang bakbakan sa nasabing lugar mula noon.
Hindi pa naman inaako at wala pang inilalabas na komento ang Taliban tungkol sa pag-atake.
Tatlo sa mga nasawing biktima ay dinala sa ospital sa Lashkar Gah, habang sa Bost Hospital naman dinala ang sampung iba pa.
HIndi pa malinaw kung mayroon pang mga nasawi mula sa mga sugatang biktima sa nasabing pag-atake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.