MMDA, nagtanim ng mga puno sa Pasay City

By Kabie Aenlle August 28, 2017 - 03:46 AM

Sa paglalayong makagawa ng paraan upang mabawasan ang matinding polusyon sa Metro Manila, nagtanim ng 1,000 na palm trees ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Pasay City.

Katuwang ng MMDA ang Rotary Club ng San Lorenzo sa nasabing tree planting activity, na nais gawing “Green Metro” ang Kalakhang Maynila.

Itinanim ang mga nasabing palm trees sa NAIA Road sa Pasay City.

Samantala, bukod sa Pasay ay balak rin ng MMDA na magtanim ng mga halaman sa Roxas Boulevard at mga kalsada sa Alabang.

Kabuuang 10,000 na puno ang nais na itanim ng MMDA sa kahabaan ng ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.