Ombudsman, humiling ng mas malaking Capital Outlay para sa 2018

By Rhommel Balasbas August 27, 2017 - 01:08 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Humiling ang Office of the Ombudsman sa Kongreso na maglaan ito ng mas malaking pondo para sa Capital Outlay (CO) ng ahensya sa susunod na taon.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, hindi raw kasi sasapat ang budget ng kanyang tanggapan para maipatupad ang mga proyekto sa 2018.

Kabilang sa mga nais isakatuparan ng Ombudsman ang pagpapatayo ng bagong building at pagbibigay ng stipends sa mga whistleblowers.

Ani Morales, kailangan nila ng mas malaking space dahil masikip ang tanggapan para sa kanilang personnel at nakalagak lang ang napakaraming dokumento nila sa hallways

Hinihiling ni Morales ang 255.26 milyong pisong budget para sa Capital Outlay ng tanggapan sa susunod na taon.

Nauna na ngang inirekomenda ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalaan ng zero budget para sa CO ng anti-graft body.

Pinuna naman ni Cebu Rep. Raul del Mar ang pagbawas ng DBM sa proposed budget ng Ombudsman at hinikayat si Davao City Rep. Karlo Nograles, Chairman of the House Committee on Appropriations na ibalik ang budget cuts na ginawa ng kagawaran.

Wala pang sampung minuto, inaprubahan na ng House Committee on Appropriations ang proposed 2.588 bilyong pisong budget ng Office of the Ombudsman para sa susunod na taon.

TAGS: Conchita Carpio-Morales, Congress, Office of the Ombudsman, Conchita Carpio-Morales, Congress, Office of the Ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.