Bagyong “Jolina,” bahagyang humina

By Kabie Aenlle August 26, 2017 - 05:59 AM

Nasa lalawigan na ng Ifugao ngayon ang bagyong “Jolina” na bahagyang humina base sa pinakahuling severe weather bulletin ng PAGASA.

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Aguinaldo, Ifugao, na inaasahang makakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi.

Taglay na lang nito ngayon ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour, at pagbugso na 120 kilometers per hour.

Inaasahan naman ang patuloy na pagkilos nito patungo sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal number 2 sa Isabela, Quirino, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Benguet, Abra, La Union at Nueva Vizcaya.

Tropical cyclone warning signal number 1 naman sa Aurora, Cagayan kabilang ang Babuyan group of islands, Apayao, Nueva Ecija at Pangasinan.

Patuloy namang mararanasan ang mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan sa western sections ng Central at Southern Luzon.

Samantala, ibinaba naman na ang orange rainfall warnings sa ilang lalawigan, ngunit nanatiling nakataas ang yellow rainfall warning sa Metro Manila, Pampanga, Bataan, Zambales, at Bulacan, na tatagal hanggang sa susunod na dalawang oras.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.