Exhibition game ng La Salle at FEU, nauwi sa suntukan
Nauwi sa gulo at suntukan ang exhibition game sa pagitan ng De La Salle University at Far Eastern University na bahagi sana ng selebrasyon ng Kidapawan Festival sa Davao kagabi.
Dalawang video ang ipinost sa Twitter ng @animodavao na nagpapakita ng komosyon ng dalawang koponan.
Sa unang video na may caption na “1st Commotion” makikita ang pagpapang-abot ni Ken Tuffin ng FEU at ni Kib Montalbo ng La Salle na dahilan para maubos ang mga manlalaro sa bench at nagpalaki sa komosyon.
Samantala, sa isang video rin ang inupload ng nasabing account, makikita ang mas matinding gulo ng mga manlalaro.
Dahil dito, hininto agad ng mga coaches ang laro na nagresulta sa pagka-forfeit ng dalawang koponan at agad na pagpapabalik sa kanila sa kani-kanilang mga hotels.
Hininto ang laban 20 seconds bago matapos ang 3rd quarter kung saan lamang ang FEU Tamaraws sa iskor na 73-59.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.