Bersyon ni CGMA ng BBL, ‘di nagustuhan ng MILF
“Foolish.”
Ito ang paglalarawan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa panukalang Bangsamoro Basic Law ni dating pangulo’t ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Ipinahayag ng MILF ang pagkainis sa lahat ng aspeto ng Basic Act for Bangsamoro Autonomous Region (BABAR).
Ayon sa organisasyon, malinaw na pumapabor ang panukalang batas ni Arroyo sa “special groups” at taliwas sa obligasyon ng mga kasunduan ng gobyerno at MILF.
Dagdag nito, taliwas ito sa Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) kung saan isinusulong ang self-determination ng mga Moro.
Maging ang acronym sa panukalang batas na Babar ay nakakagalit din para sa MILF dahil nangangahulugang baliw sa wikang Maguindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.