LOOK: Listahan ng suspensyon ng klase ngayong Biyernes, August 25
Suspendido na ang klase sa ilang lalawigan na apektado ng bagyong Jolina.
Sa lalawigan ng Cagayan, sinuspinde ang klase mula pre-school hanggang senior high school.
Idineklara ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang suspensyon para sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan base na rin aniya sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Narito ang listahan ng suspensyon ng klase ngayong araw ng Biyernes, August 25:
PRE-SCHOOL
- Benguet
- Apayao
- Abra
PRE-SCHOOL TO ELEMENTARY
- Pangasinan
- Mankayan, Benguet
PRE-SCHOOL TO HIGH SCHOOL
- Cagayan
- Nueva Ecija
- Santiago City
- Ifugao
- Quirino
- Province
- Kalinga
ALL LEVELS
- Libon, Albay
- Camarines Sur
Para naman sa mga lugar na nakasailalim sa public storm warning signal iiral ang guidelines ng Department of Education (DepEd) para sa class suspension.
Sa ilalim ng nasabing guidelines, otomatikong suspendido ang klase sa pre-school sa mga lugar na nakasailalim sa signal number 1, habang hanggang high school naman ang suspensyon para sa mga lugar na nakataas ang signal number 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.