Kahit walang niyebe o snow sa bansa, nakakuha pa rin sa kauna-unahang pagkakataon ng gintong medalya ang Pilipinas sa larangan ng ice hockey.
Ito’y matapos talunin ng ice hockey team ng Pilipinas ang koponan ng Thailand sa score na 5-4 sa kanilang paghaharap sa Southeast Asian Games.
Ngayong taon lamang sinimulan ang larong ice hockey sa SEA Games.
Bukod sa ice hockey, nakakuha rin ng ginto ang koponan ng Pilipinas na lumaban sa lawn bowls at boxing.
Sa Boxing, nakakuha ng isang ginto si Eumir Marcial sa 75-kilogram class matapos talunin ang kalabang Thai.
Sa 81-kilogram class naman, natalo ni John Marvin ang kalaban nitong Malaysian upang makakuha ng isa pang ginto.
Samantala, dalawa na ang medalya ng runner na si Trenten Anthony Beram matapos manguna sa men’s 400-meter race.
Una nang nakakuha ng ginto si Beram, 200 meters noong nakalipas na Miyerkules.
Sa kasalukuyan, nasa 15 gintong medalya na ang hawak ng Pilipinas sa SEA Games.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.