Mga kasambahay sa Cordillera may dagdag sahod

By Ricky Brozas September 03, 2015 - 07:40 PM

 

Department of Labor and Employment
Inquirer file photo

Good news para sa mga kasambahay sa Cordillera Administrative Region.

Nagpatupad ng wage hike o umento sa sahod ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng CAR para sa mga household service worker sa kanilang lugar.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ang CAR ang kauna-unahang rehiyon sa bansa na nagpatupad ng dagdag-sahod para sa kanilang mga kasambahay mula nang maging ganap na batas ang Republic Act 10361 o Domestic Workers Act noong 2013.

Sa ilalim ng Wage Order ng CAR na nagkabisa na nuong August 10, 2015, ang bagong minimum wage rate para sa mga kasambahay sa rehiyon ay P2,500 para sa mga lungsod at first class municipalities at dalawang libong piso naman para sa iba pang munisipalidad.

Mas mataas ito kumpara sa itinatakda sa RA 10361 na nagsasabing ang sahod ng mga kasambahay sa mga lungsod ay hindi dapat bababa sa dalawang libong piso, at 1,500 pesos naman sa ibang munisipalidad.

Sakop ng wage hike ang mga kasambahay, yaya, cook, gardener, laundry person o sinuman na regular na gumaganap ng trabaho sa bahay.

Nilinaw naman ni Baldoz na hindi dapat maapektuhan ng wage hike ang allowance at iba pang benepisyo na tinatanggap ng mga kasambahay.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.