Makabayan Bloc, nanawagan kay Duterte na suspendihin na ang Oplan Double Barrel Reloaded
Nanawagan ngayon ang Makabayan Bloc sa Kamara kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspindihin na ang Oplan Double Barrel Reloaded.
Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, nagawa na dati ng pangulo ang pagpapahinto sa Oplan Tokhang matapos mapatay ang Korean national na si Jee Ick Joo.
Iginiit ni Tinio na kung nagawa ng pangulo suspindihin ang Oplan Tokhang sa pagkamatay ng isang dayuhan dapat din aniya itong gawin ngayong isang inosenteng kababayan ang napatay.
Bukod pa rito, ang pagkilala ni Duterte na may maling nagawa ang Caloocan Police sa operasyong ikinamatay ng 17 anyos na si Kian Lloyd Delos Santos.
Nanindigan din ang Makabayan bloc na hindi isolated ang pagkakapatay kay Kian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.