Grand Mosque sa Marawi nabawi na ng militar mula sa kamay ng Maute group

By Chona Yu August 24, 2017 - 08:38 PM

Nabawi na ng militar ang Grand Mosque sa Marawi City na una nang pinagkutaan ng teroristang Maute group.

Bandang alas dose ng tanghali kanina nang mapasok ng mga sundalo ang mosque.

Ayon kay Armed forces of the Philippine Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, nakasentro ngayon ang operasyon ng military para ma-clear ang mosque.

Sinabi pa ni Padilla na sa kasalukuyan ay patuloy ang ginagawang combat clearing sa lugar.

Ilang araw na aniyang sinisikap ng mga sundalo na mabawi ang mosque.\

Gayunman, hindi pa matukoy ni Padilla kung may mga bihag na nabawi ang mga sundalo.

Napakahalaga aniya ng Grand Mosque sa teroristang Maute dahil sa naturang lugar itinago ang mga bihag at baril at bala at iba pang suplay.

Una rito, sinabi ni Padilla na nabawi na rin kamakalawa ng mga sundalo mula sa kamay ng mga terorista ang Marawi City Police Station.

TAGS: Grand Mosque, marawi, Grand Mosque, marawi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.