WATCH: Anak ni Senator Panfilo Lacson na si Pampi, sangkot sa smuggling ayon kay Faeldon
(UPDATE) Pinangalanan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, si Pampi Lacson, anak ni Senator Panfilo Lacson na sangkot sa smuggling.
Sa pagharap sa media, sinabi ni Faeldon na noong July 2016, o ilang araw matapos siyang maupo sa pwesto bilang customs commissioner, may natuklasan siyang mga anomalous shipments.
Ang kumpanyang ‘Buon Giorno’ umano ang nasa likod ng shipments ng aabot sa 67 barko na lulan ang mga semento.
At ayon kay Faeldon, si Pampi Lacson ang nagmamay-ari ng nasabing kumpanya.
Taong 2015 ayon kay Faeldon nang itayo ang kumpanya ni Pampi Lacson.
At noong nakaraang buwan lang ayon kay Faeldon, nagpasok ng tatlong shipments ang kumpanya ni Pampi na ang halaga ay P106 million.
Nakapagtataka umano ito dahil sa capital na 20,000 kaduda-duda umano na sa loob lang ng tatlong araw ay nakapagpasok ito ng malaking halaga ng shipment ng semento.
Pekeng dokumento din umano ang isinumite ni Pampi para sa halip na $16 hanggang $20 na bayawin ay maging $8 lamang ang kaniyang babayaran.
Bwelta ni Faeldon, dapat itong imbestigahan ng senado.
“Imbestigahan natin ‘to kasi this is smuggling of cement by the billions, by high-ranking government officials,” ayon kay Faeldon sa ipinatawag nitong press conference sa Taytay, Rizal.
Kinumpirma din ni Faeldon na nagdala pa noon ng pera si Pampi sa Customs at mistulang tinatangka niyang suhulan ang mga tauhan sa ahensya.
“Nagdala ng pera si Panfilo Lacson Jr… Matagal na po yang importer… Ano’ng big sabihin nito? Is he trying to bribe my staff?” dagdag pa ni Faeldon.
Sinabi ni Faeldon na ayon sa Cement Manufacturers’ Association of the Philippines, ang Buon Guirno ay maituturing na biggest cement smuggler sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.