Batasan area sa QC, pinatututukan dahil sa mataas na insidente ng krimen
Tinututukan ng QC Police ang Batasan area sa Lungsod ng Quezon dahil sa mataas na insidente ng nakawan.
Sinabi ni Quezon City Police Director Chief Superintendent Edgardo Tinio na lubha kasing napakalaki ng Batasan area na halos kasinlaki na ng lungsod ng Maynila kaya’t malaki ang bilang ng populasyon.
Sinabi pa ni Tinio na robbery ang numero unong problema sa Batasan area kung kayat tuwing gabi ay inililipat pa nila ang mga Special Reaction Unit at Special Weapons and Tactics o SWAT team na nagbabantay sa mga malls sa naturang lugar.
Sa Batasan area ay naroon ang mga ilang ahensiya ng gobyerno, katulad ng Mababang Kapulungan at Sandiganbayan.
Ngunit sinabi ng opisyal na sa istratehiya nilang ito ay bumaba ang bilang ng krimen sa Batasan.
Binanggit pa ni Tinio na tinutukan din nila sa Batasan ang problema sa droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.