Pangulong Duterte, kakain ng balut at chicken barbeque sa Pampanga
Pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa San Fernando, Pampanga sa Lunes, August 28.
Layon ng pagdalaw ng pangulo na personal na malaman ang sitwasyon ng mga poultry farmers sa Central Luzon sa gitna ng bird flu outbreak.
Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, kakain ang pangulo ang balut, chicken barbeque at itik para patunayan na ligtas ang pagkain ng mga ito.
Nais anyang ipakita ng pangulo na hindi dapat matakot ang publiko sa pagkain ng manok dahil siya mismo ay kakain nito.
Una nang sinabi ng kalihim na tinanggal na ang ban sa pagdala ng poultry products mula Pampanga sa Visayas at Mindanao.
Pero bawal pa rin ang pagbiyahe ng naturang produkto kung galing ito sa 7-kilometer radius sa bayan ng San Luis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.