Viral na reply ng LTFRB sa isang netizen, iimbestigahan

By Mark Gene Makalalad August 23, 2017 - 10:41 AM

Iimbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nag- viral na Facebook screengrab ng kanilang official account.

Sa isang post ng television host na si James Deakin, makikita na nagtanong ang isang Facebook user sa LTFRB Citizen enforcer kung maikukunsidera ba syang colorum kung magsasakay sya ng pasahero at tatanggap ng bayad.

Sumagot naman ng “yes sir” ang LTFRB account pero makaraan nito ay sinabi rin sa chat na colorum ding maituturing ang driver na magra-ride share kahit hindi magbayad ang kanyang pasahero, bagay na nagdulot ng malaking kalituhan sa mga netizen.

Ayon LTFRB Chairman Martin Delgra, nakausap nya na ang tao na sumagot sa query sa Facebook pero iba raw ang sagot nito sa screengrab na nag-viral.

Dagdag pa ni Delgra, nagpasaklolo na rin sila sa National bureau of investigation (NBI) para matukoy ang pinagmulan ng screengrab.

Sa ngayon nakakuha na ng mahigit 13,000 shares at 19,000 reactions sa Facebook ang naturang screengrab.

 

 

 

 

 

 

TAGS: ltfrb, Radyo Inquirer, ride sharing, ltfrb, Radyo Inquirer, ride sharing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.