Pagpapalaki sa isyu ng pagkamatay ni Kian delos Santos, sinisi sa pagkakasibak ng hepe ng NPD

By Kabie Aenlle August 23, 2017 - 03:43 AM

Naniniwala si Chief Supt. Roberto Fajardo na ang pagiging “sensationalized” ng pagkakapatay kay Kian Loyd delos Santos ang dahilan kung bakit siya nasibak sa pwesto bilang hepe ng Northern Police District (NPD).

Ayon kay Fajardo, itinuturing niya ang kaniyang sarili na isang mabuting sundalo at pulis na laging sumusunod sa mga itinuutos sa kaniya.

Sa kaniyang pahayag, iginiit pa ni Fajardo na alam niya sa kaniyang puso na ginagawa lang niya ang kaniyang trabaho.

Dagdag pa ng pulis, mabuti na aniyang na-relieve siya sa kaniyang pwesto habang nagtatrabaho para masupil ang kalakalan ng iligal na droga.

Masyado aniyang napalaki at napulitika ang kaso ng pagkakamatay ni Delos Santos na naging sanhi ng pagkakasibak niya sa pwesto.

Kahapon ay nagdesisyon na si Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald dela Rosa na i-relieve muna si Fajardo dahil sa command responsibility nito sa anti-drug operation na ikinasawi ni Delos Santos.

Inanunsyo naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director na si Chief Supt. Amando Clifton Empiso ang papalit sa posisyon ni Fajardo sa NPD.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.