Panghuhuli sa mga colorum, ipauubaya muna sa LTO at LTFRB

By Jan Escosio September 03, 2015 - 03:59 PM

 

Inquirer file photo

Ipauubaya muna ng Philippine National Police-Highway Patrol Group sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising Regulatory Board ang paghuli sa mga colorum na public utility vehicles na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA.

Ito ang sinabi ni Police Chief Supt. Arnold Gunnacao, ang director ng HPG dahil aniya ang kanilang focus ay traffic management para mapangalagaan ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Aniya, ito ang napagkasunduan sa kanilang pakikipagpulong sa mga ahensiya ng gobyerno, kasama na ang MMDA at DPWH.

Kaninang umaga, nagkaroon ng surprise operation ang LTO at MMDA laban s mga colorum at out-of-line na mga bus sa ilang bahagi ng EDSA.

 

 

TAGS: colorum, ltfrb, lto, colorum, ltfrb, lto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.