Pagpili ni Duterte ng ipapalit sa kaniya, tanggap ni Faeldon
Welcome kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin na ang ilang beses na niyang pagbibitiw sa pwesto at pumili na ng ipapalit sa kaniya.
Sa inilabas niyang pahayag sa kaniyang official Facebook page, sinabi ni Faeldon na naniniwala siyang para sa ikabubuti ng bansa ang desisyon ng pangulo, dahil ang pananatili niya sa kawanihan ay nagiging “politically polarizing” na.
“My continuous stay in the Bureau of Customs is politically polarizing the country, so the decision of the president is for the best,” ani Faeldon.
Gayunman, nangako si Faledon na patuloy niyang pagsisilbihan ang bansa para sa ikabubuti ng mga mamamayang Pilipino.
Aniya pa, ginawa na niya ang lahat ng kaniyang makakaya sa kaniyang paninilbihan, at na wala siyang ginawang anumang uri ng katiwalian sa buong kasagsagan ng kaniyang serbisyo.
“I will continue to serve our country and the welfare of the Filipino people. I have served you to the best of my ability and I have not done any act of corruption in my entire government service.”
Nagpasalamat rin si Faeldon sa lahat ng mga tumulong sa bansa.
Kagabi ay inanunsyo ni Pangulong Duterte na si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Isidro Lapeña na ang ipapalit niya kay Faeldon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.