Alok ng Liberal Party kay Sen. Poe para tumakbong VP ni Roxas, nananatili

By Dona Dominguez-Cargullo September 03, 2015 - 12:11 PM

grace marNananatili ang alok ang Liberal Party kay Senator Grace Poe para maging running mate ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas sa 2016 elections.

Ito ang dahilan ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice kung bakit wala pang inaalok na iba ang Liberl Party para maging running mate ni Roxas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Erice na siya ring chairman ng political and electoral affairs ng LP, na kapag dumating na ang panahon na maituturing nilang ‘zero chance’ na sila kay Poe ay saka lamang nila tuluyang isasara ang posibilidad na Roxas-Poe tandem.

Doon lang din aniya magsisimulang kumausap ng ibang posibleng running mate ni Roxas ang partido Liberal.

Sa ngayon sinabi ni Erice na bagaman malabong mapa-oo pa ng LP si Poe ay hindi pa naman aniya nauuwi sa ‘zero chance’ ang stiwasyon. “May standing offer pa rin po kay Senator Poe para mag-VP kay Roxas. Kapag dumating ang panahon na zero chance na (kay Sen. Poe), saka hahanap ng iba, sa ngayon po kasi nakikita ko malabo, pero hindi pa naman zero, kapag zero chance na ay isasara na namin ang possibility na Roxas-Poe Tandem,” ayon kay Erice.

Paliwanag ni Erice, hindi naman magandang tignan kung iaalok na nila sa iba ang posisyon para sa magiging ka-tandem ni Roxas, gayung nananatili pa rin ang alok nila kay Poe.

Samantala, ngayong kaarawan ni Senator Poe, sinabi ni Erice na ang wish niya para dito ay magkaroon ng kaliwanagan.

TAGS: 2016 elections, roxaspoetandem, 2016 elections, roxaspoetandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.