Bihag na Vietnamese ng Abu Sayyaf, nailigtas sa Basilan

By Rod Lagusad August 22, 2017 - 04:24 AM

 

Mula sa Wesmincom

Nailigtas ng militar ang ang nasa siyam na buwang bihag na Vietnamese ng Abu Sayyaf sa Basilan kagabi.

Na-rescue si Do Trung Huie ng Joint Task Force Basilan kasama ang Naval Task Group Basilan, Naval Task Force 61 at Navy Intelligence Service Group- Western Mindanao sa Mataja Island alas-9:00, Linggo ng gabi.

Agad na dinala si Do Trung Hieu sa headquarters ng Forces Western Mindanao.

Kasalukuyang nasa Camp Navarro General Hospital sa Calarian, Zamboanga City si Do Trung Hieu para sa atensyong medikal.

Ayon kay Joint Task Force Basilan Commander Colonel Juvymax Uy, ang naturang rescue operation ay bunga ng magandang conduct of intelligence operations at tagumpay na airstrike mission.

Dagdag pa ni Uy, na-rescue si Do Trung Hieu matapos mapilitan ang mga bandidong lisanin ang kanilang pinagkukutaan matapos ang naging operasyong ng militar.

Dinukot si Do Trung Hieu kasama ang limang iba pang crew ng M/V Royal 16 na nakilala na sina Pham Minh Tuan, Tran Khac Dung, Hoang Trung Thong, Hoang Van Hai at Huang Vo ng grupo nina Sulu-based sub-leader na si Alvin Yusop a.k.a Arab Puti, Basilan-based sub-leader Radzmil Jannatul, a.k.a. Kubayb at ng namayapang si Alhabsy Misaya habang naglalayag malapit sa Sibago Island, Basilan sa November 11, 2016.

Nitong June 16 ay nakatakas si Hoang Vo mula sa ASG habang noong July 5 ay nadiskubre ang mga pugot na katawan nina Hoang Trung Thong at Hoang Van Hai ng mga residente sa Sitio Compound, Barangay Tumahubong, Sumisip, Basilan.

Samantala, napasok na din ng JTF Basilan ang dalawang kampo ng grupo ni Nurhassan Jamiri kung saan narekober ang ilang improvised explosive devices at components nito.

Ayon kay Lieutenant General Carlito G. Galvez, Jr., commander ng Western Mindanao Command, ang kanilang grupo ay committed sa patuloy na pagpapalakas ng opensiba nito laban sa mga natitirang mga miyembro ng Abu Sayyaf.

Aniya kaya naging posible ang mga accomplishment na ito ay dahil sa mga sundalong nasa ground.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.