Tatlong malalakas na bagyo sa Pacific Ocean, walang epekto sa bansa-PAGASA
Hindi tatama sa Pilipinas ang tatlong malalakas na bagyo na ngayon ay nasa Pacific Ocean.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umabot sa Category 4 ang tatlong bagyo na may international names na Ignacio, Kilo at Jimena.
Pero humina ang typhoon Ignacio at ngayon ay nasa category 2 n alamang.
Sinabi ng PAGASA na hindi inaasahang tatamasa kalupaan ang tatlong bagyo at maaring manatili lamang sa tubig.
Ayon kay Benison Estareja ng PAGASA, hindi rin nila ito nakikitang papasok sa Philippine Area of Responsibility dahil papalayo ang direksyon nito.
Ito aniya ang unang pagkakataon na mayroong tatlong major storms na sabay-sabay na nabuo sa Pacific Ocean.
Sa ngayon ayon sa PAGASA, mananantiling maaliwalas ang panahon sa bansa at wala pa ring nakikita bagyo na papalapit o papasok sa PAR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.