Palasyo, nagpaabot ng pagbati sa isa pang atletang Pinoy na nakasungkit ng medalya sa SEA Games sa Malaysia
Malugod na binati ng Malakanyang ang isa na namang atleta ng bansa na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.
Ito ay ang 15-anyos na si Nicole Marie Tagle na tubong-Dumaguete na sumabak sa individual recurve archery competition at nakakuha ng silver medal.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinagmamalaki ng buong bansa ang nakamit na karangalan ng Pilipinas sa pamamagitan ni Tagle.
Sinabi ni Abella na umaasa ang Palasyo na masusundan pa ang mga medalya at tagumpay na dadalhin ng team Philippines na nakikipagtunggali sa nagpapatuloy na SEA Games.
Bago ang pagkapanalo ni Tagle, nasungkit ng Pilipinas sa nabanggit na international sports event ang unang gold medal nito nang manalo si Mary Joy Tabal sa women’s marathon kaugnay ng SEA Games na ginagawa ngayon sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.