LPA sa Northern Luzon, isa nang ganap na bagyo; Signal No. 1, itinaas ng PAGASA sa Batanes
Isa nang tropical depression ang low pressure area (LPA) na una nang namataan sa silangan ng Batanes.
Ayon sa PAGASA, dahil ganap nang bagyo, pinangalanan na ito na “Isang”.
Pero batay sa latest weather bulletin ng PAGASA, nakasaad na walang direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa ang nasabing bagyo.
Posibleng palakasin lamang aniya ng bagyong Isang ang southwest monsoon o hanging habagat.
Dahil dito, itinaas na ng PAGASA ang signal no. 1 sa Batanes at Babuyan group of islands.
Huling namataan ang bagyong Isang sa layong 735 kilometers east ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugso na 65 kph.
Gumagalaw ito sa direksyong west northwest sa bilis na 19 kph.
Ayon sa PAGASA, inaasahan na lalakas pa ang bagyo at magiging tropical storm sa susunog na 24 hours hanggang 36 hours.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.