Tren ng PNR muling nagka-aberya

By Ruel Perez September 03, 2015 - 08:17 AM

PNR FB page
FILE PHOTO/PNR FB PAGE

Muling nagka-aberya ang biyahe ng Philippine National Railway (PNR) kagabi matapos magkaroon ng technical problem sa bagon nito sa Maynila.

Ayon kay PNR Spkesperson Paul De Quiros, 30 minutong nabalahaw ang biyahe ng PNR sa bahagi ng Pedro Gil Station kanto ng Quirino Ave., matapos umanong bumaba ang air pressure nito at hindi na makatakbo.

Pero depensa ni De Quiros, minor problem lamang ang naranasan at ang itinuturong dahilan ay ang sobrang dami ng mga pasahero na hindi kinaya ng tren.

Kaagad naman umanong nailipat ang mga pasahero sa kasunod na biyahe pero nagdulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil nakaharang sa gitna ng kalsada ang nabalahaw na tren sa Pedro Gil at Quirino Avenue sa Maynila.

Sa ngayon hindi pa rin nakakabiyahe ng buo ang PNR matapos na sumailalim sa pagsasaayos ang riles.

Natuklasan kasi ng pamunuan ng PNR na maraming bahagi ng riles ang nawawala na naging dahilan ng pagkakadiskaril ng isa nitong tren noong buwan ng Mayo na ikinasugat 50 pasahero.

Noong buwan ng Hulyo naibalik ang serbisyo ng PNR pero ang biyahe ay mula Tutuban station sa Maynila hanggang sa Alabang sa Muntinlupa lamang.

Patuloy pa rin ang pagsasaayos ng riles sa pagitan ng Alabang hanggang sa Calamba, Laguna.

TAGS: PNR train, PNR train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.