NPC, hinikayat ang mga eskwelahan na paigtingin ang security system sa drug test results
Hinikayat ng National Privacy Commission (NPC) ang iba’t ibang eskwelahan at ahensiya na paigtingin ang kanilang security system para matiyak na magiging pribado ang resulta ng random drug testing sa mga mag-aaral.
Ayon kay NPC commissioner Raymund Liboro, dapat alam ng mga mangangasiwa nito ang kaakibat na panganib at benepisyo ng paglalabas ng ganitong klaseng impormasyon sa bawat estudyante.
Dapat aniyang matiyak ang proteksyon ng mga magpopositibong mag-aaral upang maiwasan ang diskrimasyon.
Giit naman ni NPC deputy commissioner Ivy Patdu, dapat ring mag-implementa ng mahigpit na polisya ang mga institusyon sa paghingi ng resulta nito.
Matatandaang ipinag-utos ng Commission on Higher Education ang pagsasagawa ng random drug testing sa mga estudyante sa high school at kolehiyo bilang parte ng comprehensive dangerous drugs law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.