Pilipinas nakasungkit ng unang ginto sa 2017 SEA games sa Malaysia
Nasungkit ni Mary Joy Tabal ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa 2017 Southeast Asian Games na ginaganap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Hindi pa inilalabas ang official time pero sinasabi sa ulat na malayo ang agwat ng Cebuana marathoner sa kanyang mga nakalaban sa pagsisimula ng SEA games.
Si Tabal na isang 2016 Olympian at nagsanay pa sa Tuscany, Italy nauna nang nakakuha ng silver medal noong 2015 SEA Games na ginanap sa bansang Singapore.
Bago siya tumulak sa Kuala Lumpur ay naging laman rin ng mga balita ang iringan sa pagitan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at ni Tabal makaraan siyang alisin sa listahan ng mga sasali sa SEA Games.
Ito ay dahil tumangging magsanay sa bansa si Tabal at mas pinili na manatili sa Italy.
Naayos lamang ang lahat nang ibalik sa kanyang kampo ang bilang official coach si Rene Herrera at ang kanyang long-time mentor na si John Philip Dueñas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.