Dating Marawi Mayor Omar Macabalang Ali at 2 iba pa, inalis sa martial Law arrest order

By Chona Yu August 18, 2017 - 07:25 PM

Sa ekslusibong dokumento na nakuha ng Radyo Inquirer, inalis na sa Martial Law arrest order number 1 at 2 ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang dating mayor ng Marawi na una nang pinaghinalaang may kaugnayan sa teroristang Maute group.

Kabilang sa mga inalis sina dating Marawi Mayor Omar Macabalang Ali alyas Solitario Ali Salic at Omar Solotario Salic, ang anak nito na si dating ARMM Assemblyman Samer Makil Salic alyas Samer Salic at pamangkin na si Walid Makil Salic na dating Barangay Captain sa isang barangay sa Marawi.

Matatandaang nakuha ng mga sundalo ang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng sampung milyong piso sa bahay ni Omar Solitario Ali noong June 23.

Ayon kay Lorenzana, pinirmahan niya ang dokumento na nag-aalis sa arrest order sa tatlo matapos mag-vouch ang kalihim ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.

“Yes, I confirm on the representation of OPAPP Sec. who vouched for thse dather and sons,” ayon sa text message ni Lorenzana nang tanungin ng Radyo Inquirer

 

 

 

TAGS: Martial Law, Maute Terror Group, Omar Macabalang Ali, Radyo Inquirer, Martial Law, Maute Terror Group, Omar Macabalang Ali, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.