Tweet na “fafda” ng Presidential Communications Office, trending sa twitter

By Dona Dominguez-Cargullo August 18, 2017 - 04:35 PM

Nag-viral sa social media ang screenshot ng tweet ng Presidential Communications Office na “fafda”.

Alas 1:07 ng hapon ng Biyernes, August 18, 2017, lumabas sa offical twitter account ng PCO ang “fafda” na bagaman agad nabura ay marami na ang nakapag-retweet at nakapag-grab.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, ‘accidental tweet’ ang “fafda” at isa sa kanilang social media administrators ang may gawa nito.

Wala naman aniyang anumang ibig sabihin ang tweet kaya agad din itong binura.

Matapos ang insidente, agad naglabas ng memo si Andanar at inatasan ang social media team ng tanggapan na maging maingat.

Bago ma-delete, ang tweet na ‘fafda’ ay umani ng 21 retweets at 29 likes.

Nag-number 3 din ang #fafda sa Philippine trend sa twitter.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fafda, presidential communications office, fafda, presidential communications office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.