Sa kabila ng dumaraming bilang ng nasasawi, mga lansangan, mas ligtas na ayon sa Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo August 18, 2017 - 03:30 PM

Kuha nI Cyrille Cupino

Sa kabila ng ilang sunod ng araw na marami ang naitatalang nasawi sa mga anti-illegal drugs operations, sinabi ng Malakanyang na mas ligtas nang maituturing ngayon ang mga lansangan sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, paulit-ulit nilang naririnig mula mismo sa taumbayan na mas nagiging ligtas na ngayon ang lansangan.

Mas kumportable din aniya ngayon ang nakararami.

Sinabi ni Abella na ito ang tamang panahon para aksyunan at laban ang krimen sa bansa.

Mas lalala aniya ang karahasan, darami ang kaso ng rape pati na sa mga bata kung hindi pa kikilos ang pamahalaan.

Ani Abella, mas nararaming publiko ang naa-appreciate ang kampanya ng administrasyon laban sa ilegal na droga.

Partikular na tinukoy ni Abella ang masa na aniya ay anuman ang political color ay nauunawaan ang nangyayari sa bansa.

 

 

 

 

TAGS: Ernesto Abella, street crimew, War on drugs, Ernesto Abella, street crimew, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.