Arraignment kay De Lima sa illegal drugs case, ipinagpaliban ng korte
Ipinagpaliban ng Muntinlupa City Regional Trial Court ang arraignment kay Senator Leila De Lima sa isa sa tatlong kaso nito na may kinalaman sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).
Ngayong Biyernes sana ang arraignment kay De Lima pero pinagbigyan ni Judge Amelia Fabros-Corpuz ng Branch 205 ang hiling ng Department of Justice na gawin na ipagpaliban ito.
Itinakda na lamang ni Corpuz sa September 15 ang pagbasa ng sakdal sa senador.
Nais ng DOJ na mabigyan sila ng sapat na pagkakataon para masagot ang komento ni De Lima sa opposition ng prosekusyon sa hirit na bawiin ang arrest order laban sa kaniya.
Inatasan naman ni Corpuz ang prosekusyon na magsumite ng rejoinder bago mag-August 25.
Personal na dumalo si De Lima sa pagdinig at sinalubong pa ito ng kaniyang mga tagasuporta na nagtipon-tipon sa labas ng korte.
Sen. Leila de Lima arrives at Munti RTC, alights from shuttle escorted by police. Today is her arraignment at Br 205 for illegal drug trade. pic.twitter.com/GgYiaVX2Dv
— Dexter Cabalza (@dexcabalzaINQ) August 18, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.