Mahigit 10,000 Yolanda survivors, nakatanggap na ng presidential assistance
Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development Authority ang tig-5,000 pisong Presidential Assistance Fund sa 10,989 na biktima ng Bagyong Yolanda.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DSWD Social Worker Officer 2 Lisa B. Camacho na ang mga nabahaginan ay kabilang sa 75, 072 na qualified beneficiaries mula sa Western Visayas.
Sa pamamagitan ng isang cash card na inisyu ng Land Bank of the Philippines, natanggap ng mga recipients ang presidential assistance.
Sa kasalukuyan, aabot na sa 3,973 recipients ang nakatanggap sa Iloilo; 2,902 sa Aklan, 2,396 sa Antique at 1,718 na ang nakatanggap sa Capiz.
Sinimulan ang pamamahagi ng cash card noong May 29 at target na tapusin bago matapos ang Setyembre.
Ang mga nabigyan ng 5,000 presidential assistance ay hindi nakatanggap ng mga nauna ng government assistance tulad ng Emergency Shelter Assistance, National Housing Authority (NHA) Permanent Shelter Project, DSWD Core Shelter Projects at iba pang programang pabahay ng pamahalaan.
Kabilang ang nasabing financial assistance sa 1 bilyong pisong pondo ng Socio-Civic Fund ng tanggapan ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.