Duterte muling inamin na nagkamali sa pagtantya sa drug problem sa bansa

By Chona Yu August 18, 2017 - 04:27 AM

 

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali siya sa pagtaya na kaya niyang sugpuin ang problema sa ilegal na droga sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.

Sa talumpati ng pangulo sa Ozamiz City Huwebes ng hapon, sinabi nito na hindi niya kasi inakala na malawak at malalim ang problema sa ilegal na droga sa bansa.

Aminado ang pangulo na nagkamali siya sa pagtatakda ng deadline.

Mapagkumbaba ring inamin ng pangulo na maaring hindi rin niya matapos ang problema sa illegal na droga hanggang sa matapos ang kanyang termino sa taong 2022.
Inihayag ng pangulo na Davao City lang kasi ang kanyang “template” o pinagbatatayan at hindi inakalang maraming taga-gobyerno ang sangkot kasama na ang Bureau of Customs (BoC).

Kaya laking gulat daw niya nang maupo sa pagkapangulo at makita ang lahat ng intelligence information hinggil sa illegal drugs problem.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.