3 pinaghihinalaang Abu Sayyaf, kinasuhan na ng rebelyon

By Kabie Aenlle, Khyz Soberano August 18, 2017 - 04:23 AM

 

Kuha ni Khyz Soberano

Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) ang pormal nilang imbestigasyon sa kasong kriminal na inihain laban sa tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Assistant State Prosecutor George Yarte, isusumite na nila ang kaso para sa resolusyon oras na maibigay na ng mga abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) ang birth certificate ng isa sa mga respondents.

Naaresto ng militar sina Marmin Magdirul, Isah Ikkhang at Ismael Abdulla sa isang operasyon na bahagi ng implementasyon ng martial law sa Mindanao.

Nahaharap ngayon sa kasong rebelyon ang tatlo at ang Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines ang complainant.

Ayon kasi sa militar, 18-anyos na si Abdulla, ngunit iginigiit nito na 17 taong gulang pa lang siya.

Kabilang ang tatlo sa 30 miyembro ng Abu Sayyaf na naka-engkwentro ng mga sundalo sa Barangay Pang sa bayan ng Kalingalan Caluang sa Sulu.

Dalawang sundalo ang nasawi sa bakbakan, habang lima naman ang nalagas sa panig ng Abu Sayyaf.

Samantala, sinabi ni Yarte na mananatili ang regularity of apprehension hangga’t hindi napapatunayang menor de edad si Abdulla. / Kabie Aenlle

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.