Bago pa man maghatinggabi: 16 na agad ang patay sa Metro Manila

By Cyrille Cupino, Jong Manlapaz August 18, 2017 - 04:29 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Hindi pa man sumasapit ang hatinggabi , nagsimula nang tumimbuwang sa maraming lugar sa Kalakhang Maynila ang ilang mga umano’y mga kalalakihang nanlalaban sa police operations ng mga alagad ng batas.

Sa paglilibot ng Radyo Inquirer Night Team, halos nagsunud-sunod ang mga ulat ng mga police operations ng mga otoridad sa Maynila, Quezon City, Caloocan at Navotas na nagresulta ng madugong katapusan ng

Kuha ni Cyrille Cupino

ilang mga umano’y sangkot sa iligal na droga at kriminalidad.

Bago pa man sumapit ang alas 12:00 ng madaling-araw, nasa labing-anim na ang naitatalang nasawi ng Radyo Inquirer team.

Sa Maynila, unang naitala ang isang patay sa buy-bust operations sa Zobel Roxas, Maynila dakong alas 6:00 ng Huwebes ng gabi.

Sinundan ito ng pagbulagta ng dalawa pa sa Tondo Maynila, isa sa Lawton Maynila at isa pa sa Sampaloc.

Sa Caloocan City, unang nakapagtala ng tatlong patay sa police operations sa 2nd Ave., Bgy. 120 na sinundan ng isa pang nasawi sa Abato St., sa Bgy. 13, Caloocan City.

Kuha ni Jong Manlapaz

Isa pa ang bumulagta rin sa Bgy. Bugallon, Caloocan.

Isa ang nasawi sa Tinajeros Malabon, isa sa Bgy. Longos, Malabon.

Samantala, sa lungsod ng Quezon, dalawa naman ang nasawi sa hiwalay na police operations sa Novaliches at isa sa Quezon City.

Matatandaang kamakailan, nasa mahigit 30 ang napatay sa magkakahiwalay na police operations sa lalawigan ng Bulacan.

Sa halip na kastiguhin, pinuri pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na nakapatay sa mga hinihinalang suspek na sangkot sa droga at kriminalidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.