US Army helicopter naglaho habang nagsasagawa ng training

By Dona Dominguez-Cargullo August 17, 2017 - 10:52 AM

A US Army (USA) UH-60L Black hawk Helicopter flies a low-level mission over Iraq during Operation IRAQI FREEDOM.

Isang US Army helicopter ang nawala habang nagsasagawa ng night training mission sa Hawaii.

Limang crew din ng UH-60 black hawk helicopter ang nawawala at patuloy na pinaghahanap sa Oahu Island.

Nagtutulong-tulong na ngayon ang mga tauhan ng Army, Coast Guard at Marine Corps para mahanap ang nawalang chopper at mga sakay nito.

Ang nasabing Army helicopter ay bahagi ng training mission kasama ang isa pang chopper nang ito ay bigla na lamang maglaho at mawalan ng radio at visual contact dito.

May namataan naman nang posibleng debris ang mga tauhan ng Coast Guard sa bahagi ng Kaena Point pero hindi pa tiyak kung bahagi ito ng nawalang helicopter.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Army, coast guard, Marines, UH-60 helicopter, Army, coast guard, Marines, UH-60 helicopter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.