Pangulong Duterte, personal na nag-abot ng tulong sa mga nasunugan sa San Miguel, Maynila

By Khyz Soberano August 16, 2017 - 09:30 PM

Hindi naman nabigo ang daan-daan nasunugan residente ng San Miguel, Maynila nang harapin at personal na makiramay sa kanila si Pangulong Rodrigo Duterte.

Dumating ang pangulo sa National Shrine of St. Michael and the Archangels, na katabi lang ng palasyo ng Malakanyang, matapos ang pagdiriwang ng misa para sa tinatayang 400 pamilyang nasunugan.

Iniabot sa kanila ng pangulo ang paunang na tulong na food package at labis nilang ikinatuwa nang tawagin silang kapitbahay ng pinakamataas na lider ng bansa.

Nangako din ang punong ehekutibo sa mga biktima ng pagkain araw-araw at bibigyan din ang bawat pamilya ng tig-5,000 pesos

Hapon pa lang ang matiyaga nang naghintay ang mga nasunugan ng bahay sa labas ng simbahan matapos makumpirma ang pagharap sa kanila ng pangulo.

TAGS: manila, Rodrigo Duterte, San Miguel, sunog, manila, Rodrigo Duterte, San Miguel, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.