Economy minister sa Taiwan, nagbitiw sa pwesto matapos maranasan ang massive blackout
Nagbitiw sa pwesto ang economy minister sa Taiwan matapos maranasan ang malawakang blackout doon noong Martes ng gabi.
Pitong milyong kabahayan at mga establisyimento ang naapektuhan ng blackout na nagresulta rin sa halos pagka-paralisa ng business operations.
Nagdulot din ng matinding problema sa traffic ang blackout.
Sa ulat ng Central News Agency ng Taiwan, “operational technical error” ang dahilan ng pagpalya ng anim na generators sa pinakamalaki nilang natural gas power plant.
Matapos ang insidente, agad inaunsyo ni economy minister Lee Chih-kung ang pagbibitiw sa pwesto at humingi rin ito ng paumanhin sa publiko.
Tinatayang nasa 23 milyong katao ang naapektuhan ng blackout at naibalik ang serbisyo ng kuryente umaga na ng Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.