Residential area sa San Miguel, Maynila, tinupok ng apoy

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2017 - 06:27 AM

Contributed Photo | Charmainne Odtujan

(Developing) Tinutupok ng apoy ang mga kabahayan sa Sikap Street sa San Miguel Maynila.

Pasado alas 5:00 ng umaga, itinaas na sa task force bravo ang alarma ng sunog sa Barangay 645.

Tinatayang nasa 100 mga bahay ang apektado ng sunog.

Ang mga apektadong residente ay pansamantalang nasa kahabaan ng JP Laurel, sa labas lamang ng Malakanyang.

Nagsimula ang sunog pasado alas 3:00 ng madaling araw sa bahay ng isang Oriel Degala.

Pinutol na rin ang suplay ng kuryente sa San Miguel, Maynila.

Isa naman ang nasugatan na nakilalang si Melvin Romanda ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.